Peace talk nais ni Duterte gawin sa Pinas
MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na malagdaan sa Pilipinas ang kasunduang pangkapayapaan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ayon sa senador, nananatiling bukas si Pangulong Duterte sa pakikipag-usap sa komunista para sa kapayapaan sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Go na nais ng Pangulo na malagdaan ang peace agreement sa bansa sa pagitan nila ni CPP leader Jose Maria Sison.
- Latest