Sinabi naman ni PNP Deputy Chief for Ope­rations Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa mga opisyal at miyembro ng SAF na ikuwento sa kanilang mga anak at iba pang miyembro ng pamilya ang kagitingan ng SAF 44.
Roel Pareño/ File
Kabayanihan ng SAF 44 ginunita
Joy Cantos, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ginunita kahapon ng Philippine National Police ang kabayanihan ng 44 na Special Action Force (SAF) commandos na nagbuwis ng buhay sa pag-neutralisa sa most wanted na Jemaah Isla­miyah (JI) terrorist na si Zulkipli bin Hir sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 o may limang taon na ang nakalilipas.

Sa kanyang mensa­he sa naturang okas­yon, sinabi ni PNP Chief Police Gen. Archie Gamboa na ang kagitingan ng mga baya­ning commandos ay patunay lamang na sa tuwina’y gagawin ng kapulisan ang kanilang makakaya, kabayanihan upang bigyang proteksyon ang publiko.

Sinabi naman ni PNP Deputy Chief for Ope­rations Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa mga opisyal at miyembro ng SAF na ikuwento sa kanilang mga anak at iba pang miyembro ng pamilya ang kagitingan ng SAF 44.

Samantala, sa Mala­kanyang, nagpaha­yag ito ng pag-asa na makakamit pa rin ng pamilya ng 44 na SAF ang hustisya.

Ayon pa  kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, patuloy na nagdarasal ang Malacañang na magkakaroon ng katahimikan ang kaluluwa ng mga miyembro ng PNP na nagbuwis ng buhay sa insidente limang taon na ang  nakakaraan.

Sinabi rin ni Panelo na dapat magsilbing aral ang mga naging kamalian upang hindi na maulit pa ang insidente sa tinaguriang SAF 44.

ARCHIE GAMBOA SAF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with