Pamilyang Brazilian inoobserbahan sa Palawan
Ludy Bermudo, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

Sa hinalang may coronavirus

PALAWAN , Philippines — Naka-isolate na sa Ospital ng Palawan sa Puerto Princesa City ang apat na miyembro ng isang pamilyang Brazilian na hinihinalang may sintomas ng coronavirus o nCOV.

Ito ang kinumpirma kahapon ni MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan)  Police Spokesperson Lt. Col. Imelda Tolentino base sa  pahayag ng mga doktor sa  Palawan.

“According to the doctor yung isang bata lang ang nag-manifest ng symptoms ng nCOV and the rest is precautionary pa lang,” paliwanag ni Tolentino.

Binanggit pa niya na ang anak ng pamilyang dayuhan ay kandidato sa  confirmatory test na papangasiwaan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Sinabi ni Tolentino na ang nasabing mga Brazilian nationals ay isolated muna ng 12 araw sa nasabing pagamutan hanggang sa mawala ang sintomas ng nasabing delikado at nakamamatay na karamdaman.

“Hindi pa puwede i-release ang mga names and other details  ng patient  dahil hindi pa naman confirmed kung nCOV case nga to protect the family,” dagdag ng opisyal.

“Meron siyang respiratory problems, fever at bumisita kamakailan sa Wuhan, China, 3 out of 4 indicators based on the protocol set –forth by the World Health Organization  and the Department of Health,” sabi pa niya sa pakikipagtalastasan sa mga doktor.

Samantala, isa naman 6-na taong gulang na batang babaeng Taiwanese ang nailipat din sa Ospital ng Palawan mula sa isang pribadong pagamutan dahil sa nararanasang respiratory symptoms at hirap sa paghinga.

Sinab ni Dr. Audie Cipriano, hepe ng medical professionals  ng Ospital ng Palawan, na isinailalim muna sa pedia check-up ang bata kung may bacterial diseases dahil pareho naman umano ang sintomas na nararanasan ng flu-like illnesses.

Matatandaang noong Biyernes nang ihayag ni Health Undersecretary Eric Domingo na wala pang kumpirmadong nCoV sa Pilipinas matapos ideklarang clear o negatibo sa nCoV ang batang lalaking kinunan ng specimen na ipinadala sa Australia.

MELDA TOLENTINO MIMAROPA NCOV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with