“Congratulations sa inyo sa inyong bagong fish port dito. Alagaan ninyo ang inyong karagatan, lalong-lalo na ang fishing industry dito sa Quezon,” ani Go sa mga residente ng lalawigan.
Bong Go FB Page
Go suportado ang sektor ng pangingisda
(Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Sen. Bong Go ang ground­breaking ceremony para sa itatayong P776-mil­lion development ng Lucena Fish Port Complex sa Lucena City.

“Congratulations sa inyo sa inyong bagong fish port dito. Alagaan ninyo ang inyong karagatan, lalong-lalo na ang fishing industry dito sa Quezon,” ani Go sa mga residente ng lalawigan.

Ang naturang fish port na matatagpuan sa 7.8 ektaryang reclaimed area sa Barangay Dalahican ay itatayo sa ilalim ng Na­­tionwide Fish Ports Pro­ject Package III ng gobyerno.

Kabilang sa develop­ment ang construction, rehabilitation at im­prove­ment ng kasalu­kuyang pasilidad sa fish port kagaya ng pier, market hall, cold storage, ice plant at waste water treatment plant.

May mga bago ring pasilidad na itatayo at may mga bagong kaga­mitan na bibilhin.

“Alam niyo, 1991 pa huling na-repair itong fish port. Panahon na po para ito magkaroon ng rehabilitation,” ayon sa senador.

Mga sardines, ba­ngus, round scad, skipjack tuna at bullet tuna ang ilang pangunahing ibinabagsak sa naturang fish port.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with