‘Exotic foods’ iwasan - DOH
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

Coronavirus galing sa paniki, ahas?

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) na iwasan ang mga “exotic food.”

Sinabi ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa harap na rin ng mga naglalabasang ulat na maaaring paniki at ahas ang pinagmulan ng 2019 Novel Coronavirus (2019 nCoV) na namiminsala ngayon sa iba’t ibang bansa, partikular sa Wuhan, China.

Gayunman, ani Du­que, wala pang kumpirmasyon sa naturang mga report ngunit ma­buti na aniyang maging maingat ang lahat.

May ilang sakit na rin kasi na napatuna­yan nang galing sa mga hayop, gaya ng SARS na mula sa civet cat, habang ang Ebola virus naman ay sinasabing galing naman daw sa mga paniki at unggoy.

Anang kalihim, hindi naman bago ang pagkain ng mga exotic food, gaya na lamang sa Pilipinas na may mga taong sumusubok sa iba’t ibang pagkain.

Kung maaari ay huwag nang kumain ng mga pagkain na posibleng magdulot ng pa­nganib sa kanilang kalusugan.

Aniya, kailangan ding matiyak na hindi malalagay sa alanganin ang kalusugan at buhay ng sinuman, kung hindi mapipigilan ang pagkain ng mga kakaibang pagkain lalo na ang mga “animal meat.”

Pinakamainam pa rin na kumain ng mga masusustansyang pagkain.

Paalala rin niya, da­pat tiyaking maayos at malinis ang pagkaka­handa ng mga pagkain at mabuti ang pagkakaluto sa mga ito para ligtas na kainin lalo na ng mga bata.

DEPARTMENT OF HEALTH EXOTIC FOOD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with