Iniharap sa media ang apat sa limang suspek sa pagpatay at pagsunog kay dating Batangas Rep. Edgar Mendoza at dalawang tauhan.
Boy Santos
Ex-Batangas solon, 2 pa ‘drinoga’ bago pinatay, sinunog
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatulog muna ng drogang ativan si dating 2nd District Batangas Rep. Edgar Mendoza, Sr., bodyguard at driver  nito saka dinos-por-dos sa ulo, pinagsasaksak at sinunog ang mga bangkay sa loob ng sasakyan sa Tiaong, Quezon nitong Enero 9.

Sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Director Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel na sarado at lutas na ang kaso matapos matukoy na mastermind at pangunahing suspek sa krimen ang dalawang convicted inmates na nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP).

Kinilala ni Coronel ang dalawang detainees na sina Sherwin Sanchez, isang convicted murderer at Arthur Fajardo, convicted leader ng notoryus na Fajardo kidnap-for-ransom (KFR) gang.

Nabisto umano ito matapos kumanta ang limang nasakoteng suspek na sina Kristine Fernandez, assistant ni Jael Fajardo, misis ni Arthur; Madonna Palermo, kasambahay ni Jael; Carlo Acuna; Erickson Balbastro at Rodel Mercado, pinsan ni Sanchez.

Lumilitaw sa imbestigasyon na si Mendoza kasama ang driver nitong si Nicanor Mendoza at bodyguard na si Ruel Ruiz ay nagtungo sa bahay ni Fajardo sa Blk 14, Lot 21, Villa La Prinza Subdivision, Brgy. Prinza, Calamba City upang singi­lin ang maybahay nito sa kanyang serbisyo na umabot ng milyong halaga.

Si Sanchez umano ang utak ng pagpatay kay Mendoza na nagsilbing legal counsel nito sa kasong murder pero na-convict noong 2015 bagay na ikinagalit ng huli kaya plinano ang pagpatay sa dating solon.

Si Mendoza rin ang humahawak sa maraming kaso ni Sanchez kabilang ang mga pinansyal na transakyon nito at mga lupang ari-arian.

Sa halip na magbayad ng milyon ay nagpatulong si Sanchez kay Fajardo na naging kaibigan na nito sa loob ng NBP simula pa 2015 upang tulungan siyang isagawa ang plano sa halagang P100,000 para sa kanilang mga kokontratahin.

Kinontak ni Fajardo ang kanyang misis na si Jael para kumuha ng mga tao na magsasakatuparan sa krimen.

Nang magtungo si Mendoza kasama ang driver at bodyguard nito sa bahay ni Jael ay dito na nilagyan ng slee­ping pills na hinihinalang ativan nina Fernandez at Palermo ang kape na inialok kina Mendoza.

Nang makatulog ang tatlo ay saka sinundo ni Acuna sina Balbastro at Mercado sa isang convenience store. Pinagtulungang buhatin ang mga biktima sa behikulo at dito pinaghahampas ang mga ito ng matigas na bagay sa ulo saka pinagsasaksak.

Nakunan sa CCTV ang pagpasok sa subdibisyon ng Honda Civic (DAN -6374) ni Mendoza ala-1:03 ng hapon noong Enero 8 at nakita rin na sa bahay ni Jael ang mga ito pumasok.

Sa pangambang manganib ang kanyang buhay ay sumuko si Fernandez at ikinanta naman nito sa mga awtoridad ang iba pang mga kasabwat sa krimen.

Natukoy rin na si Balbastro ang nagmaneho ng kotse sakay sa likuran ang bangkay ng tatlo kung saan bumili pa ang mga ito ng gasolina saka sinilaban ang sasakyan sa San Francisco Bridge, Tiaong, Quezon.

Sa limang suspek ay pinaghahanap pa ang nakatakas na si Mercado habang ang mga ito ay kinasuhan na ng tatlong counts ng murder.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with