^

Bansa

Co-passengers ng 5-anyos hinahanap

Joy Cantos, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Co-passengers ng 5-anyos hinahanap
Ito ang nabatid kahapon kay DOH Secretary Francisco Duque III na nagsabi na kaagad silang magsasagawa ng contract tracing sa sandaling magpositibo ang bata sa SARS-like virus na kumakalat ngayon sa China.
Boy Santos/ File

Sa Corona Virus

MANILA, Philippines — Hinahanap ng surveillance unit officers ng Department of Health ang mga kapwa pasahero sa eroplano ng limang taong gulang na batang kinakitaan ng mga sintomas ng coronavirus at dumating sa bansa noong Enero 12 mula sa Wuhan, China.  Sinasabing dumiretso ang mag-ina sa Cebu.

Ito ang nabatid kahapon kay DOH Secretary Francisco Duque III na nagsabi na kaagad silang magsasagawa ng contract tracing sa sandaling magpositibo ang bata sa SARS-like virus na kumakalat ngayon sa China.

Hahanapin aniya ng surveillance unit officers ng DOH ang unang apat na pasahero sa eroplano na katabi ng bata o ‘yung mga nasa kaliwa at kanan at maging sa harapan at likuran nito.

Ipinabatid ni Duque na ang nanay ng bata na isa sa mga katabi nito sa eroplano ay maayos na ang kondisyon at hindi nakitaan ng anumang sintomas.

Kasabay nito, inihayag ni Duque na bumubuti na rin ang kondisyon ng nasabing bata.

Inaasahang ilalabas ngayong hapon  ang resulta ng pagsusuri sa naturang bata na nakaratay sa isang ospital sa Cebu.

Ayon kay Duque III, mapapasakamay ng mga awtoridad sa Melbourne, Australia ang samples na kinuha sa pasyente.

Samantala, pinakilos na rin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa ang PNP Health Service na makipagtulungan sa DOH upang imbestigahan at imonitor ang peligrong sakit na corona  SARS-like virus.

 Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, partikular na binigyan ng direktiba ni Gamboa si PNP Health Service Director Police Brig. Gen. John Luglug.

 Sinabi ni Banac na inatasan ni Gamboa si Luglug na makipagkoordinasyon kay Duque  III kaugnay ng isinasagawang beripikasyon sa napaulat na pagdating sa bansa ng batang lalaking Chinese na hinihinalang apektado ng sakit na corona SaRS-like virus nang dumating sa Cebu  kasama ang ina nito galing Wuhan, China.

Nabatid na ang Wuhan ay siyang epicenter sa China ng nasabing coronavirus na delikadong makahawa sa pamamagitan lamang ng paghawak ng taong maysakit nito at pag-ubo.

vuukle comment

RANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with