Ang Wuhan ay isang lungsod sa China na pinagmulan ng isang bagong uri ng corona­virus. May higit 200 nang kumpirmadong kaso nito roon.
STR/AFP
Bata mula China nagpositibo sa coronavirus
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa coronavirus ang isang bata na galing China at nasa bansa ngayon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III, naka-admit sa isang ospital sa Cebu City ang 5 taong gulang na bata mula Wuhan na nakararanas ng lagnat, pamamaga ng lalamunan at ubo.

Ang Wuhan ay isang lungsod sa China na pinagmulan ng isang bagong uri ng corona­virus. May higit 200 nang kumpirmadong kaso nito roon.

Nagtungo raw sa Cebu ang bata para mag-aral ng English. Dumating ito noong Enero 12 dakong alas-3:00 ng hapon at agad na-confine sa ospital pagsapit ng alas-6:00 ng gabi.

Gayunman, sinabi ni Duque na nagnegatibo ang batang pasyente sa Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), na ilan sa mga sakit sa ilalim ng coronavirus, pero nagpositibo sa “non-specific pancoronavirus.” 

Pinadala na sa Australia ang sample ng bata para malaman kung anong klaseng virus mayroon ang bata.

Binabantayan din ng DOH ang 3 tao mula China na nakitaan ng mga sintomas ng trangkaso nang lumapag sila sa Kalibo International Airport sa Aklan.

Ang coronavirus ay kabilang sa isang mala­king grupo ng mga virus na nagmumula sa mga hayop pero maaaring mahawahan ang mga tao.

Ilan sa mga sintomas nito ay lagnat, ubo, at kahirapan sa paghinga. Kapag lumala, maaari rin itong magdulot ng kidney failure at ikamatay ng pasyente.

 

CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with