Sinabi ni Marcos na dapat maging alerto at magpatupad ng precautionary measure ang Department of Health, Manila International Airport Authority at iba pang ahensya ng gobyerno para hindi makalusot ang Coronavirus na maaaring manggaling sa China, Thailand o Japan.
STAR/File
Chinese nationals na dadagsa sa Lunar New Year tiyaking walang coronavirus
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatitiyak ni Sen. Imee Marcos na hindi makapasok sa Pilipinas ang bagong strain ng pneumonia-causing virus na coronavirus dahil sa inaasahang pagdag­sa ng mga Chinese nationals ngayong weekend upang ipagdiwang ang Lunar New Year.

Sinabi ni Marcos na dapat maging alerto at magpatupad ng precautionary measure ang Department of Health, Manila International Airport Authority at iba pang ahensya ng gobyerno para hindi makalusot ang Coronavirus na maaaring manggaling sa China, Thailand o Japan.

Ayon pa kay Marcos, masyadong maluwag ang immigration procedures sa mga Philippine offshore gaming operators (POGOs) kaya hindi imposibleng makapasok sa bansa ang bagong virus na na-traced ng mga Chinese officials mula sa isang animal at seafood market sa Wuhan, ang capital ng central mainland province sa Hubei.

Bagaman at sinabi ng World Health Organization (WHO) na hindi pa tiyak o “inconclusive” ang human-to-human transmission ng bagong virus, mas mabuti pa rin ang nag-iingat at dapat pa ring maghigpit sa mga international airports at seaports upang mabawasan ang posibilidad na kumalat ang virus, partikular sa Manila, Kalibo, Cebu at Davao na may direktang travel links sa China.

CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with