Sinabi ni PHIVOLCS officer-in-charge Undersecretary Renato Solidum na ang mga bahagi ng hilagang-silangan ng Taal Volcano Island ay lumubog habang namamaga ang buong bulkan.
AFP/Ed Jones
Taal namamaga, hilagang bahagi ng isla lumubog
(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbago na ang kalupaan o landscape ng isla ng bulkang Taal sa gitna ng patuloy nitong aktibidad, ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kahapon.

Sinabi ni PHIVOLCS officer-in-charge Undersecretary Renato Solidum na ang mga bahagi ng hilagang-silangan ng Taal Volcano Island ay lumubog habang namamaga ang buong bulkan.

“’Yung island medyo tumagilid nang kaunti habang itinutulak... Lubog ‘yung ibang bahagi ng hilagang-silangan, malapit na po sa tubig, baka ‘yung bahay mismo nasa tubig na,” sabi ni Solidum sa isang pulong-balitaan. “Parang naitulak. Lalong lalo na ngayon, umaakyat ‘yung panibagong batch ng magma. ‘Yung sa southern edge ng Taal Lake, eh, nakaumbok po ‘yun kaya nagkakaroon ng bitak.”

Sinabi naman ni PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division chief Mariton Bornas na ang lupa sa paligid ng bulkan ay namaga maliban sa baha­ging hilagang-silangan.

“Namamaga ang buong bulkan, maliban lang po sa northeastern flank na bahagyang bumaba,” sabi ni Bornas.

Pinuna ni Bornas na isang permanent danger zone ang Taal Volcano Island pero may may mga naninirahan pa rin dito.

“Bago pa sumabog, ilang taon na kaming su­mi­sigaw na bawal ang tao doon,” dagdag ni Solidum.

BULKANG TAAL PHIVOLCS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with