Sa Bulletin No. 7 na pinalabas ni Agriculture Secretary William Dar noong Linggo, Enero 19, sinabi ng kalihim na walang panganib na kainin ang mga isdang ga­ling sa lawa ng Taal sa kabila ng pag-aalburuto at pagbubuga ng makapal na abo ng bulkang Taal.
The STAR/Michael Varcas
‘Isda sa Taal lake ligtas kainin’ – DA-BFAR
(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ligtas kainin ang mga isda mula sa lawa ng Taal, ayon sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa Bulletin No. 7 na pinalabas ni Agriculture Secretary William Dar noong Linggo, Enero 19, sinabi ng kalihim na walang panganib na kainin ang mga isdang ga­ling sa lawa ng Taal sa kabila ng pag-aalburuto at pagbubuga ng makapal na abo ng bulkang Taal.

“Batay sa ginawang laboratory analysis ng tubig at fish samples mula sa Taal lake, ligtas kainin ang mga isdang hinuli nang buhay mula sa lawa. Gayunpaman, dapat hugasang mabuti, alisin ang lamang loob, at lutuing mabuti ang mga isdang huli sa lawa,” ayon sa DA-BFAR.

Ang opisyal na pahayag ng DA-BFAR ay salungat sa unang babala mula sa Department of Health na umano’y peligrosong kainin ang mga isdang huli sa Taal lake tulad ng tilapia, bangus, tawilis, maliputo at iba pa.

Labis na ikinagalak ng mga mangigisda ng Taal ang opisyal na pahayag ng DA-BFAR na nag-alis sa agam-agam ng publiko, kabilang na ang mga libu-libong evacuees na kumakain ng isda at maging mga taga Metro Manila na bumibili ng tilapiang hango sa Taal.

Umapela sa DA at BFAR ang Taal Lake Aquaculture Alliance, Inc. (TLLAI) na binubuo ng halos 6,000 fish cage owners sa Taal, na payagan silang puntahan at  hanguin ang mga isda mula sa mga lumulutang nilang fish cages sa lawa.

Dahil dito, nanawagan ang TLLAI na payagan silang hanguin mula sa mga fish cages ang mga natitira pang isda upang ito’y pakinabangan ng mga mangingisda at ma­ging ng mga libu-libong tao sa evacuation centers na kulang sa pagkain.

TAAL LAKE WILLIAM DAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with