Sa kanyang ‘Aide Memoire’ kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin G. Romualdez, inamuki ni Albay Representative at House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda ang mga kapwa niya mambabatas na tugunan muna ang mga pangangailangan ng mga nasalanta kaysa panukalang imbestigahan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology dahil diumano sa atrasadong babala nito kaugnay sa pagputok ng bulkan.
Images posted on Twitter by @nikkypot.
Solon: Tulong muna bago mag-imbestiga
(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat na tulungan muna ng Kongreso ang mga sinalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal bago ang imbestigasyon sa sinumang nagpabaya diumano sa pagbibigay ng babala tungkol sa naturang pagsabog.

Sa kanyang ‘Aide Memoire’ kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin G. Romualdez, inamuki ni Albay Representative at House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda ang mga kapwa niya mambabatas na tugunan muna ang mga pangangailangan ng mga nasalanta kaysa panukalang imbestigahan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology dahil diumano sa atrasadong babala nito kaugnay sa pagputok ng bulkan.

“May natatanging kakayanan ang Kamara na tumulong sa pangangalap ng ayuda para sa mga sinalanta. Maaaring gamitin ng mga mambabatas ang kanilang mga Congressional district offices bilang tipunan ng mga ayuda mula sa publiko at pagbibigay kaalaman at tulong sa mga biktima ng kalamidad,” paliwanag ni Salceda.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with