Tone-toneladang bigas ang ipinadala ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas sa mga biktima ng pagsabog ng Taal volcano sa Batangas.
Tone-toneladang bigas, tulong ng Palayan City sa Batangas
(Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tone-toneladang bigas, canned goods at iba pang pagkain ang agad na ipinadalang tulong ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas sa Batangas City na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sakay ng dalawang 16-wheeler truck ang mga relief goods na ipinamahagi ng mga tauhan ni Mayor Cuevas sa iba’t ibang evacuation centers sa Bauan, Batangas.

Bukod sa pinagsama-samang tulong ng mga residente ng Palayan City ay nagbigay din ng ayuda ang pamilya ng Alkalde.

Sinabi pa ni Mayor Cuevas, dalawang araw pa lang nang sumabog ang Taal ay nasa Batangas na ang kanyang mga tauhan upang magsagawa ng relief operation.

Aniya, nagtulung-tulong ang mga tauhan ng Palayan City Disaster Response Office, Bureau of Fire at mga kawani ng City Hall para i-repack ang mga bigas, delata, tubig, toiletries at iba pa na ipinamigay mismo sa mga evacuees.

Pinasalamatan ni Mayor Cuevas ang mga empleyado ng Palayan City dahil halos walang tulog para ma-repack ang mga relief good kaya mabilis na naipadala sa mga kababayang Batangueno.

Nagpasalamat naman si Batangas Gov. Hermilando Mandanas sa kaloob na tulong ng Palayan City.

BIGAS BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with