Dapat sana ay Hulyo 6, 2020 pa ang muling pagsisimula ng voter re­gistration para sa 2022 NLE, ngunit nagpasya ang Comelec na ipagpatuloy na ang voter re­gistration ngayong araw matapos tuluyan nang ipagpaliban ng Kongreso ang May 11, 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Edd Gumban/File
Voters registration bubuksan ngayon
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magsisimula na nga­yong Lunes ang voter registration ng Commission on Elections (Comelec) bilang paghahanda sa 2022 National and Local Elections (NLE) sa bansa.

Dapat sana ay Hulyo 6, 2020 pa ang muling pagsisimula ng voter re­gistration para sa 2022 NLE, ngunit nagpasya ang Comelec na ipagpatuloy na ang voter re­gistration ngayong araw matapos tuluyan nang ipagpaliban ng Kongreso ang May 11, 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang aplikasyon at pag-update ng record ay dapat na personal na isa­gawa ng botante sa Office of the Election Officer sa lungsod o munisipalidad kung saan nakatira ang isang aplikante, mula Lunes hanggang Sabado, kasama ang araw ng holidays, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Kabilang sa mga maaaring magparehistro ay yaong mga tutuntong ng 18-taong gulang hanggang sa araw ng halalan o sa Mayo 9, 2020.

Ang mga botanteng nakapagrehistro na noong May 13, 2019 midterm elections ay hindi na dapat pang muling mag-apply.

Hindi muna kasama sa magkakaroon ng voter registration ang ilang lugar sa Batangas at Cavite na direktang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Suspendido rin muna ang voter registration sa 24 na munisipalidad sa Palawan, na nakatakdang magdaos ng plebisito at maging sa Makilala, Cotabato, dahil naman sa lindol na naganap doon noong Disyembre 15.

Ang registration period ay magtatagal hanggang sa Setyembre 30, 2021.

VOTER REGISTRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with