Ito ang sinabi ni Sen. Bong Go kasabay ng payo sa mga ahensiya ng pamahalaan at sa publiko na baguhin na ang “mindset” o nakagawian sa pagharap sa mga natural na kalamidad at sakuna sa bansa.
AFP/Ed Jones
Permanent evacuation centers isinulong ni Sen. Go
(Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “We should be more proactive when dea­ling with natural disasters. Dapat maging laging handa sa oras ng sakuna!” 

Ito ang sinabi ni Sen. Bong Go kasabay ng payo sa mga ahensiya ng pamahalaan at sa publiko na baguhin na ang “mindset” o nakagawian sa pagharap sa mga natural na kalamidad at sakuna sa bansa. 

Ayon sa senador, dahilan ito kaya isinusulong niya ang paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR) at isa pang panukala upang magkaroon o magtayo na ng mga permanenteng evacuation centers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ipinaliwanag ni Go na palaging tinatamaan ng mga natural na kalamidad ang Pilipinas kagaya ng mga bagyo, lindol at volcanic eruptions kaya dapat na maharap nang mas epektibo ang epekto ng mga ito.

Idiniin niya ang ka­halagahan ng mas ma­lawak na information dissemination at pagtuturo sa publiko ukol sa community’s disaster preparedness effort lalo’t hindi naman batid ng lahat ang magiging panganib ng natural na kalamidad. 

Kaya naghain si Go ng Senate Bill (SB) No. 205 o “Disaster Resilience Act of 2019” na layong lumikha ng Department of Disaster Resilience na siyang pa­ngunahing responsable sa pagtiyak ng kaligtasan at kahandaaan ng bawat komunidad sa mga sakuna.

Naghain din siya ng SB 1228 o Mandatory Eva­cuation Center Act para sa pagtatayo ng mas ligtas na permanenteng evacuation centers na kumpleto sa mga gamit na kakaila­nganin ng mga bakwit.

PERMANENT EVACUATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with