Ito ang ipinahiwatig kahapon ng hepe ng volcano monitoring division ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na si Mariton Bornas na nagsabi pa na mayroong mga minor lava flows na bumababa sa bibig ng bulkan at malakas na pagbuga ng gas na lubhang mapa­nganib sa mga residente doon.
AFP/Ed Jones
Magma palabas na sa crater ng Taal
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Merong indikasyong papalabas na sa crater ng bulkang Taal ang magma nito na nag­ba­bad­ya ng napipintong mapanganib na pagsabog.

Ito ang ipinahiwatig kahapon ng hepe ng volcano monitoring division ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na si Mariton Bornas na nagsabi pa na mayroong mga minor lava flows na bumababa sa bibig ng bulkan at malakas na pagbuga ng gas na lubhang mapa­nganib sa mga residente doon.

Sa sandali umanong sumabog bigla ang bulkan ay magiging mabilis ang progression nito at mga aktibidad dahil bukas na ang bunganga ng bulkan at mabilis na makakasampa ang magma sa crater ng Taal.

Dahil dito, idiniin ng Phivolcs na dapat manatili sa mga evacuation center ang libu-libong mamamayang lumikas mula sa mga lugar na malapit sa bulkan.

Sa nagdaang 24 oras, ang Taal ay nagpalabas ng ‘steady steam emission and infrequent weak explosions” na lumikha ng 500 to 1,000-meter-tall ash plumes, sabi ng Phivolcs sa 8 a.m. bulletin nito kahapon. 

Ang matinding seismic activity nito ay nagpapahiwatig umano na patuloy na umaangat ang magma patungo a crater ng bulkan.

Dahil dito, hindi pa anya maaaring bumalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga residenteng inilikas mula sa Volcano Island at lake nito at sa connected Pansipit River, at mga lugar sa paligid ng 14-kilometer radius ng Taal. Dapat silang manatili sa mga evacuation centers, ayon pa kay Bornas.

Bukod dito, nakapagtala na rin ang Phivolcs sa nakalipas na 24 oras ng 787 na pagyanig kung saan isa lang dito ang naramdaman na umabot sa intensity 1.

Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcano, ayon sa Phivolcs.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 16,174 pamilya o 70,413 ang pansamantalang nanatili sa 300 evacuation centers.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with