3 priority bills ni Duterte minamadali na
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mamadaliin na ng Kamara ang pagpasa sa tatlong priority bills ni Pangulong Duterte bago magbakasyon ang kongreso sa Marso.

Ito’y ang panukalang pagtatatag ng Departments of Filipinos Overseas (DFO), Water Resources (DWR) at Department of Disaster Resilience o DDR.

Ayon kay House Majority leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, ngayong araw ang muling pagbubukas ng sesyon ng kongreso at magdo-double time na sila para matalakay ang lahat ng legislative measures na napag-usapan nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano matapos na mismong si Pangulong Duterte ang manawagan para mabilis na maipasa ang nasabing mga panukala.

Ngayong araw ay inaasahan na ipapasa sa pinal na pagbasa ang House bill 5673 na nag-ootorisa sa Department of Health na aprubahan ang bed capacity at service capability ng lahat ng ospital na pinapatakbo ng DOH sa buong bansa.

Habang inaasahan ding aaprubahan nga­yong araw ang pagtatatag ng Department of Filipino Overseas and Foreign Employment.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with