^

Bansa

Evacuees pumalo na sa higit 160K

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Evacuees pumalo na sa higit 160K
Kinakanlong sa Batangas Provincial Complex ang libo-libong residente na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal. Umakyat na sa higit 160,000 evacuees ang nasa iba’t ibang evacuation centers sa Batangas, Cavite at Quezon.
Kj Rosales

MANILA, Philippines — Umabot na sa 160,000 indibiduwal ang nakakalat sa iba’t ibang evacuation centers sa mga probinsiya ng Batangas, Cavite at Quezon matapos pumutok ang bulkang Taal noong nakaraang Linggo. 

Base sa 11 a.m. record ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) kahapon, 37,355 pamilya o 162,728 indibiduwal ang nananatili na sa mga evacuation centers. 

Lumobo ang bilang ng mga apektadong pamil­ya matapos ipatupad ang lockdown sa Agoncillo, Alitagtag, Balete, Cuenca, Laurel, Lemery, Malvar, San Nicolas, Sta. Teresita, Taal, Talisay, parts of Lipa City, Mataas na kahoy at Tanauan City. 

Inatasan ni Batangas Gov. at PDRRMC Chairman Dodo Mandanas ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya na ibigay ang pangangailangan ng mga evacuees.

“Kapag humingi ng kailangan ay agad na ibigay ito at huwag nang padaanin pa sa interview dahil sa dinaranas na hirap ng mga ito,” sabi ni Mandanas.

Sinabi pa ni Manda­nas na mas mataas ang totoong bilang ng mga evacuees dahil marami pa ang hindi nakasama sa bilang na nakikitira sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Pinaalalahanan din ni Mandanas ang kanyang mga nasasakupang Batangueño na sumunod sa mga tagubilin ng mga awtoridad lalo na sa mga lugar na ipinatutupad ang lockdown.

Lima pa lamang ang naitalang casualty kung saan tatlo ay dahil sa aksidente matapos maghatid ng relief ope­ration at dalawa naman ang naiulat na inatake sa evacuation center.

vuukle comment

BULKANG TAAL

EVACUATION CENTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with