^

Bansa

Pinsala sa agrikultura, sumampa sa P3 bilyon

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat na sa mahigit P3 bilyon ang pinsala sa agrikultura ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabuuang 15,790 ektarya ng lupa at 1,923 mga hayop ang nasalanta na umabot sa P3.06 bilyon mula sa dating P577 milyong pinsala sa unang mga araw ng volcano eruption.

Umabot na rin ang pinsala sa Laguna bukod sa dating mga nasirang taniman at hayupan sa Batangas at Cavite.

Partikular na nawasak ang mga high-value crops gaya ng kape, cacao, pinya, prutas, gulay, palay, niyog. Ang lalawigan ng Batangas ay kilala sa kapeng barako.

Samantala sa pangisdaan, nalugi ng may P1.6 bilyon ang fishery sector batay sa initial assessment ng Bureau of Fisheries.

Patuloy naman ang pagkakaloob ng ayuda ng DA sa mga nasalanta ng bulkan para ang mga ito’y makabangon at makapamuhay ng maayos sa kabila ng trahedya sa bulkan.

 

vuukle comment

TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with