'Yan ay malaking pagtaas mula sa naunang P577.39 milyon na naitala ng Kagawaran sa Agrikultura.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV
Pinsala sa agrikultura lumobo sa P3.06 bilyon sa pag-alboroto ng Taal
(Philstar.com) - January 17, 2020 - 11:35am

MANILA, Philippines — Umabot na sa P3.06 bilyon ang pinsalang idinulot ng pagsabog ng Bulkang Taal, pagkukumpirma ng Department of Agriculture, Biyernes.

'Yan ay malaking pagtaas mula sa naunang P577.39 milyon na naitala ng Kagawaran sa Agrikultura.

Iniugnay ang pagtaas sa updated reports mula Batangas at Cavite pagdating sa kape, cacao, pinya, iba't ibang prutas, gulay, palay, niyog at isda.

Damay sa pagsabog ng bulkan ang 15,790 ektarya at 1,923 animal head, sabi ng DA sa kanilang bulletin.

Malayo ang iniulat ng DA sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kanina, na aabot lang sa P74.5 milyon pinsala sa agrikultura.

Patuloy pa naman na vina-validate ang napinsalang lugar at produkto ng DA-Calabarzon at Bureau of Feasheries and Aquatic Resources.

Fisheries pinakatinamaan

Pinakaapektadong sektor ang pangingisda, matapos mawala ang P1.6 bilyon sa pagcu-culture ng tilapia at ilang uri ng bangus na matatagpuan sa 6,000 palaisdaan sa paligid ng Lawa ng Taal.

"Para sa nailigtas na hayop, inisyal nang nakapagdala ng 20 bag ng animal feeds at gamot ang Bureau of Animal Industry," sabi ni Agriculture Secretary William Dar sa Inggles.

Nagbigay rin daw ang Philippine Carabao center at National Dairy Authority ng 2.5 toneladang roughages, na siyang ipadadala sa Batangas bukas.

'Yan ay mula sa ipinaghalog isang tonelada ng "corn silage" at 1.5 tonelada ng "rice straw."

Nakipag-ugnayan na din ang DA-Regional Field Office II sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal para makapagdonate ng 10 tonelada ng sari-saring gulay na darating sa Sabado sa Lungsod ng Lipa. — James Relativo

AGRICULTURE DAMAGES DEPARTMENT OF AGRICULTURE ERUPTION TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with