"Ipinakikita ng matinding seismic activity na ang patuloy na magmatic intrusion sa ilalim ng Taal, na maaaring mauwi sa tuloy-tuloy na pagsabog," dagdag pa ng Phivolcs.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV
Taal maya't-maya ang 'mahihinang pagsabog,' mga naunang bitak lumaki
James Relativo (Philstar.com) - January 17, 2020 - 10:22am

MANILA, Philippines — Hindi pa rin humihinto ang pag-aalboroto ng Bulkang Taal habang nananatili ang posibilidad ng mapaminsalang pagsabog, ayon sa pinakahuling tala ng Phivolcs.

Sa kanilang bulletin 8:00 n.u., sinabi ng Phivolcs na tuloy-tuloy ang pagbuga nito ng usok at abo sa nakaraang 24 oras.

"[Ang] putol-putol na mahihinang pagsabog nito [ay] nagluwa ng mangitim-ngitim na abo na may 100 hanggang 800 metrong taas at nagkalat ng abo timogkanluran hanggang kanluran ng main crater," sabi nila sa Inggles.

 

 

Naobserbahan din nila ang paglawak ng mga fissure, o bitak, ng ilang centimeters na una nang nakita sa mga baranggay ng Lemery, Agoncillo, Talisay at San Nicolas sa Batangas. Maliban sa mga 'yan, muli pa itong nadagdagan.

"Napansin din ang mga panibagong umuusok na bitak sa mga northern slopes ng Taal Volcano Island," wika pa ng Phivolcs.

Kapansin-pansin din ang pag-atras ng baybayin sa kabuuan ng Lawa ng Taal.

Tuloy-tuloy na 'magmatic intrusion'

Simula ika-12 ng Enero, pumalo na sa 634 ang mga naitalang paglindol buhat ng bulkan, ulat ng Philippine Seismic Network.

Sa bilang na 'yan, 174 ang naramdaman — mula Intensity I hanggang Intensity V.

Umabot na sa 944 volcanic earthquakes ang nai-record ng Taal Volcano Network, kabilang ang 29 low-frequency na lindol.

"Ipinakikita ng matinding seismic activity na ang patuloy na magmatic intrusion sa ilalim ng Taal, na maaaring mauwi sa tuloy-tuloy na pagsabog," dagdag pa ng Phivolcs.

Nananatili pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcano, na ngangangahulugang posible pa rin ang "explosive eruption" sa loob ng ilang oras hanggang ilang araw.

Mariin naman pinaalalaganan ng Phivolcs ang total evacuation sa Taal Volcano Island at sa mga high-risk areas na tinukoy sa hazard maps na saklaw ng 14-kilometrong radius mula sa Taal Main Crater at sa paligid ng Pansipit River Valley.

Inaabisuhan din ang mga piloto na iwasan ang airspace sa paligid ng bulkan dahil sa peligro ng abo at ballistic fragments mula sa "eruption column" sa mga eroplano.

Tumutukoy ang eruption column sa mainit na abo at "tephra" na nakalakip sa mga gases na ibinubuga ng bulkan tuwing sasabog ito. Karaniwan itong mukhang ulap.

EARTHQUAKE ERUPTION FISSURE PHIVOLCS TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with