^

Bansa

Phivolcs walang pagkukulang sa babala sa Taal eruption - Palasyo

Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Phivolcs walang pagkukulang sa babala sa Taal eruption - Palasyo
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang nakikitang kakulangan ang Pangulo sa ginawa ng Phivolcs na paghahanda sa pagputok ng Taal.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines – Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging performance ng Phivolcs sa kabila ng panawagan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na congressional inquiry dito dahil sa kabiguan na abisuhan ang taumbayan sa nakaambang pagputok ng Taal volcano noong Linggo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang nakikitang kakulangan ang Pangulo sa ginawa ng Phivolcs na paghahanda sa pagputok ng Taal.

Sabi ni Panelo, hindi naman nape-predict ang pagputok ng bulkan tulad ng pagyanig ng lindol kumpara sa mga bagyo. Bilib nga anya ang Pangu­lo sa galing ni Phivolcs Director Renato Solidum sa pagpapaliwanag kaugnay sa bulkan.

Ipinagtanggol din ni Sen. Sherwin Gat­chalian ang Phivolcs sa mga batikos na hindi kaagad na-predict ang pagputok ng Taal.

Ayon kay Gatchalian, wala pa siyang nakikitang ahensiya sa buong mundo na kayang magsabi ng eksaktong pagputok ng isang bulkan.

Ipinunto rin ng senador na wala pang teknolohiya, sistema o software na maaring manghula sa pagputok ng bulkan.

Naniniwala rin si Gatchalian na ginawa ng Philvocs ang lahat ng makakaya para mabigyan ng warning ang mga mamamayan.

Responsibilidad din aniya ng mga mamamayan na makinig sa war­ning at dapat maghanda ang mga local government units.

Pero sa kabila nito, malaya naman daw ang Kamara na magsagawa ng imbestigasyon dahil bahagi ito ng kanilang mandato.

 

vuukle comment

TAAL ERUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with