^

Bansa

Polio case sa Pinas umakyat na sa 16

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Polio case sa Pinas umakyat na sa 16
Batay sa ulat ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) sa Department of Health, ang apat na bagong kaso ng sakit na pawang mga batang lalaki ay mula sa Quezon City, Maguindanao at Sultan Kudarat.
AFP

MANILA, Philippines – Pumalo na sa 16 ang bilang ng mga polio ca­ses sa bansa, simula nang ideklara ang outbreak noong Setyembre 2019, matapos na makapagtala ng apat pang bagong kaso nito kamakailan.

Batay sa ulat ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) sa Department of Health, ang apat na bagong kaso ng sakit na pawang mga batang lalaki ay mula sa Quezon City, Maguindanao at Sultan Kudarat.

Ayon sa DOH, kinakitaan ng mga manipestas­yon ng lagnat, pagtatae, pananakit ng kalamnan, asymmetric ascending paralysis at panghihina ng mga paa at kamay ang mga pasyente na kumpirmadong nagkasakit ng polio.

Patuloy na hinihika­yat ng DOH ang publiko na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa polio.

Nakatakda umano ang mga gagawing pagbabakuna ng DOH mula Enero 20 hanggang Pebrero 2, sa lahat ng rehiyon sa Mindanao, at mula Enero 27 hanggang Pebrero 7 sa National Capital Region.

vuukle comment

POLIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with