Pagpapadala ng OFWs sa Kuwait bawal na ulit
Ito’y matapos lagdaan ng Philippine Overseas Employment Administration ang resolusyon para sa total deployment ban ng mga OFWs patungong Kuwait.
POEA FB Page

Pagpapadala ng OFWs sa Kuwait bawal na ulit

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nagpatupad ang gobyerno ng total ban sa pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait bunsod ng pagpatay sa isang Pinay household service worker doon, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ito’y matapos lagdaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang resolusyon para sa total deployment ban ng mga OFWs patungong Kuwait.

Sakop ng total deployment ban ang lahat ng mga newly-hired worker, mula household worker hanggang sa mga skilled worker at professional. Hindi naman daw kasali sa ban ang mga balik-manggagawa.

Bunsod umano ito ng resulta ng autopsy na isinagawa ng National Bureau of Investigation kay Jeanelyn Villavende, kung saan, bukod sa pambubugbog, nakitaan siya ng mga indikasyon ng sexual abuse.

Namatay si Villavende sa kamay umano ng kanyang employer, na ngayon ay nasa kustodiya ng mga awtoridad sa Kuwait.

Noong 2018, nagbaba ang Pilipinas ng deployment ban sa Kuwait kasunod ng serye ng mga ulat ng mga pang-aabuso sa mga OFW doon, kabilang ang kaso ni Joanna Demafelis, na natagpuang patay sa loob ng freezer.

Ayon kay POEA administrator Bernard Olalia, ang total deployment ban ay epektibo simula kahapon, Enero 15.

KUWAIT OFW POEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with