"Off-limits" muna sa kumersiyo sa mga susunod na araw ang kahabaan ng Recto, Ylaya-Tondo at Candelaria mula ika-17 hanggang ika-19 ng Enero.
The STAR/Krizjohn Rosales, File
Manininda paaalisin sa Divisoria sa paghahanda ng Sto. Niño Festival
James Relativo (Philstar.com) - January 15, 2020 - 2:37pm

MANILA, Philippines — Bawal muna magbenta sa ilang kalye ng Divisoria ang mga manininda simula Biyernes kaugnay ng mga paghahandang gagawin para sa Pista ng Santo Niño.

Ang balita ay kinumpirtma ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa panayam sa DZMM, Miyerkules.

"Off-limits" muna sa kumersiyo sa mga susunod na araw ang kahabaan ng Recto, Ylaya-Tondo at Candelaria mula ika-17 hanggang ika-19 ng Enero.

"Kakailanganin po ng s[i]yudad ng Maynila 'yung area na iyon para sa kapistahan ng Sto. Nino ng umaga," wika niya.

"Ang nangyayare po kasi diyan, pagdating ng ala-singko ng umaga, kailangan kami mag-flushing."

Matatandaang ipina-ban din ni Domagoso ang mga manininda sa Divisoria nitong Nobyembre 2019 matapos masilip sa pamamagitan ng sorpresang inspeksyon ang gabundok na basura sa Ylaya St.

Dati nang binira ng ng grupong Kadamay-Metro Manila at isang urban planner ang gawi ng Lungsod ng Maynila pagdating sa pagpapaalis ng mga manininda, bagay na lubhang nakaaapekto raw sa kabuhayan ng mga mahihirap.

"Sa gitna ng kasiyahan at patuloy na coverage ng media, limitado ang diskusyon sa sentimyento ng mga apektadong street vendors sa impact ng mga clearing operations sa kanilang insecure employment," sabi ni Dr. Redento Recio sa Inggles.

Sa kabila nito, itinatanggi naman ng alkalde na kontra-mahirap siya sa kanyang gawi.

Paliwanag ng mayor, isasagawa nila ang flushing upang maiwasan ang pagkatas ng mga produkto oras na isagawa ang pista.

"Ano yan e, may karne, isda, gulay, kumakatas yan sa kalsada, kaya every morning of our lives, we’re dealing with it every day," kanyang sabi.

DIVISORIA ISKO MORENO STO. NINO FESTIVAL VENDORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with