Sa listahan, sinabing dapat nasa P45 hanggang P105 lang ang mga N95 mask — malayo sa P200 bentahan na isinusuplong ng iba.
The STAR/Edd Gumban
'Price freeze' sa gamot, facial masks atbp. iniutos ng DOH kasunod ng Taal eruption
James Relativo (Philstar.com) - January 15, 2020 - 10:53am

MANILA, Philippines — Nag-utos ng price freeze ang Kagawaran ng Kalusugan, Martes, sa presyo ng gamot at medical supplies kasabay ng patuloy na pag-aalborot ng Bulkang Taal sa Batangas.

Inilabas ito matapos ang mga ulat ng pagsasamantala ng ilang retailers sa presyo ng ibinebentang mga N95 at dust masks dahil sa banta ng peligrosong ashfall na ibinuga ng bulkan.

Ang utos ay idinaan ni Health Secretary Francisco Duque III sa pamamagitan ng department memorandum 2020-0005, na pinetsahan ng ika-14 ng Enero, 2020.

"Ang Department of Health (DOH) ay binigyan ng mandato na bantayan at iregula ang presyo ng gamot at siguruhing naproproteksyunan sila mula sa panghuhuthot, pag-iimbak mga kartel at iba pa na makakapagkompromiso sa kanilang access sa batayang pangangailangang pangkalusugan," sabi nila sa Inggles.

"Dahil sa patuloy na mabilis na pagsabog ng Taal Volcano, nag-uutos ang DOH ng price freeze sa mga Emergency Medicines (Annex 1) sa lahat ng lugar na apektado ng volcano eruption."

Sa listahan, sinabing dapat nasa P45 hanggang P105 lang ang mga N95 mask — malayo sa P200 bentahan na isinusuplong ng iba.

Sabi pa ng DOH, dapat ay nasa P1.10 lang hanggang P8 ang mga disposable face mask.

Tinukoy ang mga essential medicines bilang batayang pangangailangan lalo na sa mga panahon ng kalamidad at sakunang gawa ng tao dahil sa mga "'di' paborableng kondisyon na maaaring magdulot ng sakit na dudulo sa epidemia at kamatayan ng marami."

Nauna nang binalaan ng Department of Trade and Industry ang mga negosyanteng haharap sila sa mga kasong administratibo at kriminal oras na pagsamantalahan nila ang sitwasyon sa ngalan ng tubo. — may mga ulat mula sa ONE News

DEPARTMENT OF HEALTH FACIAL MASK MEDICINES PRICE FREEZE TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with