Nagpadala ang Manila Water ng 30 water tankers para umayuda sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal sa iba’t ibang evacuation sites sa Timog Luzon, sa pagsisikap ng subsidiary nitong Laguna Water.
Manila Water, Ayala group umayuda sa Taal evacuees
(Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Namahagi ng malinis na tubig ang Ayala group sa mga libu-libong pamil­yang naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga water tanker sa mga evacuation center sa Batangas at Laguna.

Sa report, ang 30 water tankers ay inisyal na nagdala ng 248 cubic meters ng tubig sa 19 evacuation centers sa Batangas at Laguna.

Kahapon, ang water tanks ay ikatlong ulit nang nagpa-refill sa Laguna Water kung saan halos 10,000 evacuees ang nabigyan ng libreng ‘potable water’ na kaila­ngang-kailangan umano ng maraming pamil­yang nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Nitong January 13, 2020, nagpadala naman ang Manila Water ng 30 water tanker trucks sa Balara headquarters sa Quezon City, at naghatid ng 248 cubic meters ng inuming tubig sa 19 evacuation centers sa Batangas at Laguna.

Sa pakikipag-koordinasyon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction at Management Office (Batangas PDRRMO) ay patuloy ang pag-ayuda ng Manila Water sa mga nasa evacuees sa bayan ng  Sto. Tomas, Tanauan City, Lipa City, Batangas City, San Pascual, San Luis at Cuenca, kabilang ang Tagaytay City at Alfonso sa Cavite, upang mabigyan ang mga ito ng malinis na inuming tubig.

Namahagi rin ang Manila Water Foundation ng 2,000 units ng 5-gallon bottles ng potable water sa mga evacuees sa Sta. Teresita at Bauan, Batangas, maging ang mga nasa munisipalidad ng Agoncillo, San Nicolas, Laurel, Taal at Talisay.

 

MANILA WATER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with