Kabilang dito ang mga bayan ng Talisay, Agoncillo, San Nicolas na pawang mga nasa high risk danger zone na pinalawak pa sa mga bayan ng Balete, Lemery at Laurel na apektado ng matinding ashfall.
Russell Palma, Miguel De Guzman
Lockdown inutos sa high-risk areas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ipinatupad na ang lockdown sa mga high risk areas bunga ng panganib sa nakaambang mapaminsala at mapanganib na pagsabog ng Taal volcano sa Batangas.

Ibig sabihin, mga awtorisadong opisyal at kawani ng gobyerno lang ang maaaring makapasok ng bayan.

Sinabi ni Brig. Gen. Marceliano “Kit” Teofilo,  Taal Task Group Commander na ito ay upang protektahan ang mga residente sa mga apek­tadong lugar partikular sa idineklarang 14-km radius danger zone.

Layon din daw ng lockdown na mapigilan ang mga looter na manamantala o magnakaw sa mga bahay na walang tao.

Kabilang dito ang mga bayan ng Talisay, Agoncillo, San Nicolas na pawang mga nasa high risk danger zone na pinalawak pa sa mga bayan ng Balete, Lemery at Laurel na apektado ng matinding ashfall.

Ayon kay Teofilo, may mga residenteng sa kabila ng nailikas na sa mga evacuation centers ay nagsisibalik pa sa kanilang mga tahanan para tingnan at linisin ang kanilang mga bahay, kumuha ng ilang kagamitan at balikan ang kanilang mga naiwang alagang hayop.

Sinabi ni Batangas Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Edwin Quilates, naglatag na sila ng checkpoint para hara­ngin ang mga eva­cuees na magsisibalik.

 

TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with