^

Bansa

Repatriation ng OFWs umarangkada na!

Ratziel San Juan - Pilipino Star Ngayon
Repatriation ng OFWs umarangkada na!
Naunang ipinalabas ang mandatory repatriation alert at nananatiling epektibo sa Iraq, Iran at Lebanon makaraang mapatay sa airstrike ng United States noong nakaraang linggo ang top Iranian commander na si Qasem Soleimani sa international airport ng Baghdad, Iraq.
STAR/ File

Sa Middle East

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng pamahalaan ang mandatoryong pagpapauwi sa Pilipinas ng mga overseas Filipino worker sa Middle East.

Habang isinusulat ito, nasa Qatar si Special envoy at Environment Secretary Roy Cimati para ipatupad ang paglilikas sa mga OFW.

Napaulat na ang unang grupo ng mga evacuees na umaabot sa 14 na bilang ay nasa embahada na ng Pilipinas sa Baghdad, Iraq bandang alas-9:00 ng umaga ng Sabado. Takda silang ihatid sa Doha, Qatar at mula roon ay lilipad sila papuntang Maynila nga­yong Linggo.

Maaaring madagdagan pa ang mga eva­cuees dahil nananawagan ang embahada sa maraming OFW na bumalik na sa Pilipinas.

Samantala, ang barkong BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard ay nakaantabay sa Malta at nakahandang magla­yag sa kalapit na mga bansa na merong mga nanganganib na Pilipino.

Naunang ipinalabas ang mandatory repatriation alert at nananatiling epektibo sa Iraq, Iran at Lebanon makaraang mapatay sa airstrike ng United States noong nakaraang linggo ang top Iranian commander na si Qasem Soleimani sa international airport ng Baghdad, Iraq.

Tinatayang nasa 1,600 ang mga dokumentadong Pilipino na namumuhay sa Iraq at 1,000 pa sa Iran.

Patuloy ding minomonitor ang Kuwait na ang security level ay itinaas sa maximum noong Huwebes.

“Pinapayuhan namin ang ating mga kababayan sa Iraq at Tripoli, Libya na kontakin ang pinakamalapit na Philippine mission para maisaayos ang kanilang mandatory evacuation,” paha­yag ng Department of National Defense na nakaposte sa social media.

vuukle comment

OFW

REPATRIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with