^

Cruise ship posibleng gamitin sa evacuation ng OFW sa Iran at Iraq

Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaaring umarkila ng isang cruise ship ang Pilipinas para sa paglilikas ng mga overseas Filipino worker sa Iran at Iraq habang patuloy na isinasagawa ng pamahalaan ang humanitarian mission kahit  naibsan ang girian ng United States at Iran.

Ito ang nabatid kahapon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagsabing, “Ang napag-usapan namin sa Gabinete, if needed, we might have to charter a cruise vessel para mas malaki.”

Nagtatrabaho anya nang double time ang mga tanggapan ng pamahalaan para mabilis na mailikas ang mga Pilipino sa dalawang bansa sa Middle East.

Naunang inihayag ng Iran na tinatapos nito ang pagganti sa U.S. makaraang paputukan nila ng 22 ballistic missle ang dalawang base ng mga Amerkano sa Iraq noong Miyerkules. Isinagawa nila ang atake bilang ganti sa pagpatay ng U.S. sa isang top Iranian general noong Enero 3.

Samantala, mahigpit na ipapatupad ang mandatory repatrations ng mga overseas Filipino worker sa Iraq para sa kanilang kaligtasan, ayon kay Nograles.

 Sinabi ni Nograles sa media briefing kahapon na ang kaligtasan ng bawat OFW ang pangunahing adhikain ng gobyerno sa umiinit na tension sa pagitan ng Iraq at Estados Unidos.

Wika pa ni Nograles, walang hindi dapat sumunod sa ipapatupad na mandatory repatration sa Iraq dahil prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang kaligtasan ng bawat OFW.

 Aniya, nanatili pa rin ang alert level 4 sa Iraq kaya ipapatupad pa rin ang mandatory repatration habang ibinaba naman sa alert level 2 ang Lebanon at Iran kaya wala nang ipapatupad na mandatory repatration dito.

 Sinabi pa ng opis­yal na inaayos naman ng Department of Labor and Employment at ng Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang inatasan ni Pangulong Duterte ang pakikipag-ugnayan sa bansang Iraq para sa repatration ng mga Filipino workers matapos ireklamo ng ilang Pinoy na pinagbabayad sila ng $8,000 ng kanilang employer bago payagang umuwi ng bansa dahil sa kanilang kontratang pinirmahan.

 

 

CRUISE SHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with