^

Bansa

Matapos mabasura ang same-sex marriage petition, CHR nanawagang kilalanin ang laban ng LGBT

James Relativo - Philstar.com
Matapos mabasura ang same-sex marriage petition, CHR nanawagang kilalanin ang laban ng LGBT
Matatandaang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng abogadong si Jesus Falcis III para matanggal ang pagbabawal sa same-sex marriage sa Family Code.
AFP/Angela Weiss

MANILA, Philippines — Inudyok ng Commission on Human Rights ang Korte Suprema na kilalanin ang makasaysayang laban ng mga lesbyana, bakla, bisexual at transgender matapos ibasura ang petisyong humahamon sa pagbabawal sa same-sex marriage.

Matatandaang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng abogadong si Jesus Falcis III para matanggal ang pagbabawal sa same-sex marriage sa Family Code.

Ilan sa mga dahilang binanggit ng Kataas-taasang Hukuman ay ang "kakulangan ng legal standing," "paglabag sa prinsipyo ng hierarchy of courts" at "kabiguang maghain ng aktwal na justiciable controversy."

Sa kabila nito, sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia na nirerespeto nila ang desisyon ng Supreme Court.

"[U]maasa kami na kikilalanin ng Korte ang mahabang pakikibaka ng mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender, queer, intersex, at iba pang kasarian at sexual minorities (LGBTQI) sa pagkakapantay-pantay, kasama ang kalayaan mula sa diskriminasyon sa piniling relasyon," ani De Guia sa Inggles.

Nakisimpatya rin ang CHR sa LGBTQI at kanilang mga kakampi na magpatuloy sa gitna ng pinagdadaanang hamon at "ipagpatuloy ang paghahanap ng karapatan na tratuhin bilang tao na may pantay na karapatan sa iba."

Taong 2018 nang sabihin ni Falcis na hindi labag sa 1987 Constitution ang pagpapahintulot sa mga kasal ng bakla, lesbyana, transgender, atbp.

"[H]indi nililimitahan ng Article XV at ng iba pang mga probisyon ng Saligang Batas ang pakahulugan ng kasal sa pagitan ng lalaki at babae," ani Falcis.

"Pero may sinasabi sa konstitusyon na dapat palawigin din ang kasal sa Family Code para saklawin ang mga lesbyana, bakla, bisexual o transgender couples."

Narito ang depenisyon ng kasal alinsunod sa Section 2 Article XV ng konstitusyon:

"Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State."

Kaugnay nito, sinabi ni De Guia na sana'y muling silipin ng Konggreso ang mga kasalukuyang batas at polisiya na may kinalaman sa isyu at siguraduhing malaya ito mula sa mapanakit na mga salita laban sa mga espisipikong grupo.

vuukle comment

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

JACQUIELINE ANN DE GUIA

SAME-SEX MARRIAGE

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with