Samantala, kumalma naman sa 2.5% ang average headline inflation ngayong 2019 kumpara sa 5.2% noong 2018.
BusinessWorld, File
December inflation bumilis sa 2.5% pero bumaba sa buong 2019
James Relativo (Philstar.com) - January 7, 2020 - 12:28pm

MANILA, Philippines — Muling umakyat nang bahagya ang inflation bago magsara ang taong 2019, ulat ng Philippine Statistics Authority sa sa isang press briesing, Martes.

Ayon sa PSA, umabot sa 2.5% ang inflation nitong Disyembre, mas mataas sa naitalang 1.3% noong Nobyembre.

Sinusukat ng inflation ang bilis ng pagtaas sa presyo ng bilihin sa isang takdang panahon.

"Ang primaryang pinagmulaan ng pagtaas nito noong Disyembre 2019 ay ang taunang pagtaas sa index ng transport," sabi ng PSA sa Inggles.

Sinasabing napataas din ng annual increment sa pagkain at 'di nakalalasing na inumin ang kabuuang inflation noong nakaraang buwan.

Sa 11 mayor na commodity groups, pinakamalaki ang naiambag ng 'di nakalalasing na pagkain sa December 19 inflation, na may annual rate na 1.7% habang 27.9% ang bahagi nito sa kabuuang inflation.

Sa kabila niyan, nakapagtala naman ng mas mabagal na mark-up na 2.9% sa health index habang napanatili naman ng limang commodity groups ang annual rates nito noong Nobyembre.

Bicol, NCR mas tinamaan

Mas mataas naman ang naiulat na inflation sa NCR, na nagtala ng 2.8%.

Sa Kamaynilaan, kapansin-pansin na mas mataas ang isinirit nito sa mga gulay lalo na sa sibuyas at mustasa, isda gaya ng galunggong at tulingan, at iba pang produktong pagkain.

Sa labas ng NCR, bumilis din ito sa 2.4% kung taunan ang batayan.

Pinakamataas ang inflation sa Kabikulan  na nagtala ng 3.3% habang pinakamababa naman ang napansin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa 0.8%.

2019 inflation

Samantala, kumalma naman sa 2.5% ang average headline inflation ngayong 2019 kumpara sa 5.2% noong 2018.

Gayon din naman ang naranasan ng mga lugar labas sa National Capital Region, na nakakuha rin ng 2.5% nitong 2019 kumpara sa 5.1% noong 2018.

MIMAROPA naman ang lumalabas na may pinakamataas na annual average inflation noong 2019 sa 3.9% habang pinakamababa naman ito sa Region IX (Zamboanga Peninsula) sa 1%.

ECONOMY INFLATION PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY PRICES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with