Batay sa resolution na may petsang December 3, 2019, sinabi ng Korte Suprema na ang dismissal sa hiling ng dating alkalde ay dahil sa hindi nito pagsunod sa bagong ipinatutupad na Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
STAR/ File
Sanchez supalpal sa SC
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2020 - 12:00am

 Petisyon sa paglaya ibinasura

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Supreme Court ang petis­yon ni convicted rapist-killer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na humihiling na atasan ang Bureau of Corrections na palayain siya.

Batay sa resolution na may petsang December 3, 2019, sinabi ng Korte Suprema na ang dismissal sa hiling ng dating alkalde ay dahil sa hindi nito pagsunod sa bagong ipinatutupad na Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Anang SC, lumabag sa ilang Rules on Civil Procedures si Sanchez na kinabibilangan ng bigong magbayad ng docket at ibang fees, kakulangan ng proof of service, insufficiency ng petition in form, defective o insufficient certification dahil sa forum shopping at kabiguang maghain ng plain copies ng petition.

Nabatid na nagpasaklolo si Sanchez sa SC matapos na ipatigil ng Department of Justice (DOJ) at BuCor ang pagpapalaya sa kanya sa ilalim ng GCTA.

Nasentensiyahan si Sanchez na makulong noong 1995 sa 7 counts ng reclusion perpetua dahil sa pagpatay kina UP-Los Baños students Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong June 1993.

Uminit ang isyu kay Sanchez noong nakaraang taon nang mapaulat na maaari na siyang makalaya sa ilalim ng GCTA.

Ngunit naging isyu ito na naging dahilan upang magbalik kulungan ang may 1,525 inmates.

Ikinasiya naman ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang desisyon ng Korte Suprema pero nagpahayag siya ng kumpiyansa na, kapag isinampang muli ni Sanchez ang petisyon, madidismis pa rin ito dahil sa kakulangan ng merito.

ANTONIO SANCHEZ SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with