Palasyo nanindigan vs water firms
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Nanindigan ang Malacañang na walang magaganap na re-negotiation sa concession agreement ng pamahalaan at ng dalawang water concessionaires.

Ito ang idiniin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng nakatakdang anunsiyo sa Enero 6 ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman sa kontrata ng Maynilad at Manila Water.  

Ayon kay Panelo, sa cabinet meeting ihahayag ng Pangulo ang kanyang pasya ganundin ang anomang susunod na hakbang laban sa dalawang water concessionaires  na una ng inihayag ng Chief Executive na nais niyang kasuhan ng economic sabotage.

Sinabi pa ni Panelo na totohanin ni Duterte ang pagsasampa ng syndicated estafa case laban sa mga pinuno ng Manila Water at Maynilad dahil sa umano’y maanomalyang probisyon ng kontratang pinasok sa gobyerno.

Ayon kay Sec. Panelo, mismong ang kwestiyonableng probisyon sa kontrata ang hawak na ebidensya ni Pangulong Duterte.

WATER FIRMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with