Task force sa TRAIN law pinabubuo
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang maprotektahan ang mga consumers, iginiit kahapon ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na bumuo ng isang task force upang mabantayan ang posibleng pag-abuso ng mga negosyante sa pagpapatupad ng bagong pagtaas ng excise tax sa gasolina ngayong Enero.

Ginawa ni Gatchalian ang panawa­gan sa gitna ng ikatlong tranche ng tax hike sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law simula kahapon, Enero 1, 2020.

Inaasahang tataas ang presyo ng unleaded premium gasoline ng nasa P1.01 per liter at P1.65 per liter sa presyo ng diesel.

Para sa mga 100% coal contracted­ power distribution utilities, ang tinatayang rate impact ay nasa ?0.03 per KwH.

Sinabi rin ni Gatchalian na hindi dapat hayaan ang ilang mapagsaman­talang retailers na ibenta sa mataas na halaga ang kanilang mga lumang imbentaryong produkto, gayong nabili nila ito bago pa man maimplementa ang third tranche ng excise tax sa fuel.

DOE SHERWIN GATCHALIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with