Pagtangkilik ng pamilya sa MMFF isatradisyon
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2019 - 12:00am

Sabi ng Palace exec

MANILA, Philippines — Hinikayat kahapon ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga mamamayang Pilipino sa bansa na gawing taunang pampamilyang tradis­yon ang panonood ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kasabay ng pahayag kahapon na dapat matutong tangkilikin ng bagong henerasyon ang mga pelikulang gawang Pilipino mula sa murang edad pa lamang.

“Habang lumalaki, ang mga batang Pilipino ay namumulat sa mga obra nina Jose Rizal, Francisco Balagtas, at F. Sionil Jose,” ayon kay Nograles.

“Sa ganang akin, ganun din dapat ang nangyayari sa mga pelikulang Pilipino dahil ang mga batang henerasyon ay makikinabang sa kanilang panonood ng mga obrang gawa ng mga tanyag at batikan kagaya nina Brillante Mendoza, Nora Aunor, at Ricky Lee — na minsan nang naitatampok ang mga gawa sa MMFF.” 

Kinilala rin ng Kalihim ang mga organizers at mga kalahok sa ika-45 na pagtatampok ng  MMFF sa pagsabing ang taunang patimpalak ay “nagbi­bigay ng pagkakataon upang maipamalas ang ta­lentong Pinoy at ang pinakamagagaling sa indus­triya ng pelikula.”

Sinabi rin ni Nograles, na naatasang maging Chairman of the MMFF Board of Jurors sa ikatlong magkakasunod na taon, na “taun-taon, isang malaking hamon ang pagpili ng mga nararapat na pelikulang kalahok sa MMFF dahil lahat ng mga nakasalang dito ay magagaling.”

BRILLANTE MENDOZA KARLO NOGRALES MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with