^

Bansa

Isa patay sa Leyte matapos makuryente sa gitna ng bagyong Ursula

Philstar.com
Isa patay sa Leyte matapos makuryente sa gitna ng bagyong Ursula
Pinagmamasdan ng residente ang nawasak niyang bahay habang nananalasa ang bagyong "Ursula" sa Tacloban, Leyte.
AFP/Bobbie Alota

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng pamahalaang panlalawigan ng Leyte na may isa nang nasawi kaugnay ng pananalasa ng Typhoon Ursula sa Kabisayaan.

Ayon kay Leyte Gov. Leopoldo Petilla, pagkakuryente ang sanhi ng pagkamatay ng nasabing biktima.

Kasalukuyang nagdadala ng mapaminsalang hangin at matinding pag-ulan ang bagyong Ursula sa Aklan, hilagang bahagi ng Antique at Romblon, ayon sa ulat ng PAGASA noong 11:00 nang umaga.

Samantala, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 3 sa Romblon, timog bahagi ng Oriental Mindoro, timog bahagi ng Occidental Mindoro, Calamian Islands, Capiz, Aklan at hilagang Antique.

Sa kabila ng casualty, sinabi ni Petilla sa panayam ng CNN Philippines na mas maliit ang pinsalang kanilang tinamo kumpara sa kanilang inaasahan.

"It's not really as bad as... 'yung ini-imagine natin," sabi ni Petilla.

"I think this is a much, much more smaller damage. For example, sa flooding. 'Yung 80 barangays na 'yan, identified 'yan na 'pag bumabagyo, bumabaha talaga. Pero kakaonti lang... ang binaha ngayon."

Samantala, wasak naman daw ang mahigit 100 bahay sa baranggay Anibong sa Tacloban, sabi ng Philippine National Police-Maritime Group.

Wala pa namang maibigay na pinal na bilang ng mga namatay at sugatan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa ngayon.

"[W]aiting for report pa [from] Rdrrmc 8 on casualties," sabi ni Mark Timbal, tagapagsalita ng NDRRMC. — James Relativo

vuukle comment

CASUALTY

DEAD

LEYTE

TYPHOON

URSULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with