Isyu sa water firms dedesisyunan sa Enero 6
Sa harap na rin ito ng naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aasuntuhin ng gobyerno ng econo­mic plunder ang Maynilad at Manila Water dahil sa umano’y labis na ginawa nitong pananamantala sa mga water consumers.
Edd Gumban/File
Isyu sa water firms dedesisyunan sa Enero 6
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - December 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa Enero 6 sa susunod na taon magkakaalaman kung ano ang konkretong hakbang na gagawin ng pamahalaan kontra sa dalawang water concessionaires.

Sa harap na rin ito ng naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aasuntuhin ng gobyerno ng econo­mic plunder ang Maynilad at Manila Water dahil sa umano’y labis na ginawa nitong pananamantala sa mga water consumers. 

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nogales, marami nang nabasa si Pangulong Duterte sa mga report na naisumite na sa kanya ng DOJ, Office of the Solicitor General ganundin ng MWSS na may kinalaman sa onerous contract na pinasok ng gobyerno sa dalawang pribadong kumpanya.

Sabi ni Sec. Nograles, mas maraming panahon ngayong holiday season ang Chief Executive na basahin ang report na naisumite na sa kanya kabilang ang ulat ga­ling sa Department of Finance at mula roon ay makabuo na ang Pangulo ng konkretong hakbang laban sa 2 water firms.

Matatapat ani Nog­rales ang ?January 6  para sa kanilang unang Cabinet meeting sa taong 2020 pero hindi lang niya mabatid kung ang pasiya ng Pangulo tungkol sa concession agreement ay gagawin bago o habang ang pagpupulong ng mga miyembro ng Gabinete.

WATER FIRMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with