Hinay-hinay sa sobrang kain - DOH
Ayon kay Health spokesperson Dr. Eric Domingo, dapat na maghinay-hinay sa pagkain sa mga handaan at Christmas parties ang publiko ngayong magpa-Pasko at Bagong Taon.
Knorr/Released
Hinay-hinay sa sobrang kain - DOH
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - December 23, 2019 - 12:00am

Ngayong kapaskuhan

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of  Health (DOH) ang publiko sa labis-labis na pagkain ngayong Kapaskuhan na posibleng magdulot ng masama sa kalusugan.

Ayon kay Health spokesperson Dr. Eric Domingo, dapat na maghinay-hinay sa pagkain sa mga handaan at Christmas parties ang publiko ngayong magpa-Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni Domingo na sa mga panahong ito inaasahan ang pagdami ng mga taong nagpapatingin sa sakit na diabetes at high blood.

Dapat na tiyaking tama lamang ang kakainin upang manatili pa ring malusog ang pangangatawan kahit kaliwa’t kanan ang kainan at party na pinupuntahan dahil sa holiday season.

Dapat din aniyang mas maraming gulay ang kainin at ikalawa na lamang ang carbohydrates.

Sa mga lechon naman aniya, na karaniwan nang handa kapag Pasko at Bagong Taon, ay dapat na mula isa hanggang dalawang piraso lamang o yaong kasinglaki ng kahon ng posporo.

Paalala pa ni Domingo, kahit pa umiinom ng maintenance medicine, dapat pa ring maghinay-hinay sa pagkain, lalo na ang mga ma-cholesterol na pagkain.

Hindi rin aniya dapat ginagawang meryenda ang mga panghimagas o desserts, dahil malakas itong maka-diabetes.

Payo pa niya sa publiko, pagkatapos ng panahon ng Kapaskuhan ay dapat nang bumalik sa pagdi-diyeta at pag-e-ehersisyo upang matanggal ang mga bad cholesterol at matatamis na kinain sa panahon ng kapaskuhan.

Kaagad na magpatingin sa doktor kung may nara­ramdamang masama sa katawan.

DEPARTMENT OF HEALTH DOH HOLIDAY SEASON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with