Sa House Bill 5812 na inihain ni Campos sa Kamara, isinusulong niya na gawing mula sa kasalukuyang MDIC na P500,000 ay gawin itong P1 Million per depositor sa bawat bangko.
The STAR/ File
P1 milyong insurance coverage sa depositors isinusulong
(Pilipino Star Ngayon) - December 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —Isinusulong ni Makati City Rep. Luis Campos na ga­wing doble ang maximum deposit insurance coverage (MDIC) ng 63 million bank depositors sa buong bansa. 

Sa House Bill 5812 na inihain ni Campos sa Kamara, isinusulong niya na gawing mula sa kasalukuyang MDIC na P500,000 ay gawin itong P1 Million per depositor sa bawat bangko.

Inaamyendahan ng panukala ang charter ng Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) na nagtatakda ng MDIC. 

Ayon kay Campos, sa panahon ngayon at sa mga nagtataasang presyo ay dapat lamang na itaas na ang insurance protection ng mga bank depositors. 

Paraan din umano ito para mahikayat pa lalo ang mga Pilipino na patuloy na magdeposito at gumamit ng bangko. 

Noong 2017, ilang daang libong bank depositors din ang naapektuhan ng pagsasara ng 41 bangko na karamihan ay mga rural lenders. (Gemma Garcia)

HOUSE BILL PHILIPPINE DEPOSIT INSURANCE CORP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with