Bigas sa mga biktima ng Mindanao quake, sapat - NFA
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng bigas para maipamahagi sa mga local government units at relief agencies na naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol sa Mindanao.

Ayon sa National Food Authority (NFA), ang Region 11 na higit na naapektuhan ng naturang pagyanig ay may nakalaang kabuuang rice inventory na  286,582 bags. 

Ayon sa NFA, wala namang major damage na naganap sa Digos, Davao del Sur kahit pa ang palay stocks sa NFA warehouse doon ay nasira dulot ng malakas na lindol. Nailipat na umano ang mga stock na palay sa mas maayos na lugar upang hindi mabasa ng ulan.

Nag-request na ang NFA-Digos sa City engineer’s office para magsagawa ng agarang pag-inspeksiyon sa kanilang gusali matapos masalanta ng nagdaang lindol.

Pinakilos na din ng NFA ang kanilang operations center sa mga lugar na apektado ng naturang lindol at patuloy na makipag-ugnayan sa Provincial at City Disaster Risk Reduction Management Council para maisagawa na ang pagkakaloob ng ayuda sa mga calamity victims.

Ang Padada, Davao del Sur ang matinding nasalanta nang naganap na 6.9 magnitude na lindol noong Linggo. Hanggang kahapon ay nararamdaman pa rin ang aftershocks.

NATIONAL FOOD AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with