Samantala, isa pa rin ang nawawala kasunod ng pagyanig.
AFP/Ferdinand Cabrera
9 patay, 111 sugatan naitala sa Davao del Sur earthquake
James Relativo (Philstar.com) - December 18, 2019 - 10:35am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga nasawi't sugatan matapos ang 6.8 magnitude na lindol na nangyari sa Matanao, Davao del Sur, ika-15 ng Disyembre.

Sa punakahuling ulat ng National Disaster Risk and Management Council ngayong Miyerkules, sinabing siyam na ang patay habang 111 na ang sugatan.

Nasa 99 lang ang sugatan sa huling taya ng NDRRMC kahapon. Samantala, isa pa rin ang nawawala kasunod ng pagyanig.

Naitala ang mga nabanggit sa Davao Region at Soccsksargen.

Umabot na sa 700 aftershocks ang nangyari mula Linggo hanggang Martes, kung saan 70 rito ang naramdaman.

Hindi pa man nakababangon ang mga tinamaan ng earthquake, sinundan pa ito ng isang 5.3 magnitude na lindol sa Padada, Davao Del Sur kaninang 4:18 a.m. 

Pinsala sa imprastruktura

Nasa 41 pampublikong istruktura na ang napinsala sa Davao Region at Soccsksargen, kung saan siyam ang wasak na wasak habang 32 naman ang bahagyang napinsala.

Mula sa 20, pumalo na rin sa 128 ang paaralang partially damaged.

Umabot na rin sa 19 pasilidad pangkalusugan ang ang naperwisyo ng pag-uga.

Maliban sa mga nabanggit sa taas, 30 pang ibang gusali ang nasira.

DAVAO DEL SUR EARTHQUAKE NDRRMC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with