Ibinigay ni Pangulong Duterte ang kanyang jacket sa isang sundalo na binisita niya sa Camp Teodulfo Hospital sa Jolo, Sulu matapos masugatan sa pagtupad sa kanyang tungkulin. Nakamasid naman sa tabi niya si Sen. Bong Go na nagbigay ng cash assistance.
Mga sundalo, pulis na wounded-in-action sa Sulu pinarangalan ni Duterte, Sen. Go
(Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigyan ng para­ngal at pagkilala nina Pa­ngu­long Duterte at Sen. Bong Go ang mga sundalo at pulis na nasuga­tan sa pakikipagbakbakan­ sa mga terorista sa Sulu.

Ginawaran ng Pangulo ng Order of Lapu-Lapu ang mga sundalo at pulis na nakaratay sa Trauma Ward ng Camp Teodulfo Bautista Station Hospital na nasa loob ng Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters sa Brgy. Bus-Bus sa Jolo, Sulu.

Bukod sa medalya na iginawad ng Pangulo, nagbigay naman si Sen. Go ng cash at iba pang assistance sa mga suga­tang uniformed person­nel, pati sa kanilang pa­milya. 

Nagsalita sa harap ng mga tropa ng AFP, labis na pinasalamatan ng Chief Executive ang mga kawal sa kanilang ser­bisyo kahit pa holidays. 

Ibinigay din ng Pangulo­ ang kanyang suot na ca­mouflaged polo sa isang sugatang sundalo.

Samantala, matapos ang nasabing event ay nagtungo naman si Sen. Go sa mga miyembro ng indigenous cultural community para mamahagi ng tulong at alamin ang kanilang kalagayan.

Sina Pangulong Du­terte­ at Sen. Go ay pala­­ging naglalaan ng kanilang oras upang bigyang ha­laga ang mga uniformed men and women­ na guma­ganap ng kanilang tungkulin para mapanatiling tahimik at ligtas ang mga komunidad laban sa masasamang loob.

CHRISTOPHER BONG GO RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with