Ayon kay PSG Commander Col. Jose Niembra, wala namang major damage ang tahanan ng Pangulo pero isasailalim pa rin ito sa structural integrity na pagsusuri upang matiyak na ligtas pa rin itong gamitin.
Simeon Celi Jr./Presidential Photo
Pres. Duterte, pamilya ligtas sa lindol - PSG
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siniguro ng Presidential Security Group (PSG) na ligtas si Pa­ngulong Rodrigo Duterte pati ang anak nitong si Kitty at partner na si Honeylet Avanceña ng maganap ang 6.9 na lindol kahapon sa Davao del Sur.

Ayon kay PSG Commander Col. Jose Niembra, wala namang major damage ang tahanan ng Pangulo pero isasailalim pa rin ito sa structural integrity na pagsusuri upang matiyak na ligtas pa rin itong gamitin.

“PRRD ok lang natulog uli after the quake,” wika ng PSG chief sa Malacañang reporters.

“The President was in his house in Davao City with his daughter Kitty when the earthquake struck. The First Lady Honeylet Avanceña was on her way home when the ground rumbled and moved. She said the car she was riding was swaying. They are unhurt,” pahayag naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Samantala, mahigpit ang monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Office of Civil Defense at Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology sa pinsala ng 6.9 magnitude na lindol kahapon bandang 2 p.m.

PSG RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with