Amihan magpapaulan
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapaulan sa maraming bahagi ng ating bansa lalo na sa Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Aurora at Quezon ang hanging amihan.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, dulot nito, makakaranas ng paglakas ng hangin sa may baybayin at bulubunduking lugar sa naturang mga lugar.

Ang Metro Manila naman at iba pang lugar sa Luzon ay makakaranas ng patuloy na maulap na kalangitan na minsa’y may pag-ulan dahil sa amihan.

Maulap naman ang kalangitan sa Eastern Visayas at Caraga dahil sa easterlies o hangin mula sa silangan.

Magdudulot din ang easterlies ng maulap na kalangitan na minsa’y may pag-ulan sa buong Palawan at nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.

Maalon naman ang baybayin sa Luzon kaya pinag iingat ang mga mangingisdang papalaot sa karagatan.

AMIHAN CAR PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with