^

Bansa

Cha-cha iaakyat sa SC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa sandaling amyendahan ng Kongreso ang 1987 Constitution, nagbanta si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na kukuwestiyunin ito sa Korte Suprema.

Sinabi ni Zarate na hindi ordinaryong batas ang pag-amyenda sa konstitusyon na maaaring idaan lang sa legislative bill.

Ang dapat umano rito ay specific at nakalagay sa batas na kung kailangang baguhin ang saligang batas ay sa pamamagitan ng Constituent Assembly (ConAss) at Constitutional Convention (ConCon) subalit kung simpleng amendment lang ay maari itong People’s initiative.

Iginiit ng kongresista na bukod sa ConAss at ConCon ay  walang nakasaad sa 1987 constitution na maari ang amendment sa pamamagitan ng lehislasyon.

Kaya kung ganito umano ang gagawin ng kongreso ay kukuwestiyunin ito ni Zarate sa Korte Suprema.

Aminado naman ang mambabatas na sa ngayon ay “premature” pa para gawin ito dahil kakalusot pa lamang sa committee level ang mga panukalang mag-aamyenda sa 1987 constitution.

Sa kabila nito naniniwala naman si Zarate na posibleng makapasa sa Kamara ang nasabing panukala lalo pa kung may kumpas mula sa liderato.

vuukle comment

1987 CONSTITUTION

SC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with