_ngayon
^
US Senators 'nagoyo' sa pagpapasa ng resolusyong pabor kina De Lima, Ressa — Palasyo
Tinutukoy ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang US Senate Resolution 142, na nananawagan din sa pagpapalaya kay Sen. Leila de Lima sa kulungan at pagpapatigil sa mga "harassment" kay Maria Ressa.
Salvador Panelo Facebook Photo

US Senators 'nagoyo' sa pagpapasa ng resolusyong pabor kina De Lima, Ressa — Palasyo

James Relativo (Philstar.com) - December 13, 2019 - 5:55pm

MANILA, Philippines — Nalansi raw ng oposisyon at media ang ilang senador mula sa Estados Unidos dahilan para maipasa sa isang US Senate committee ang resolusyong nagpapabasura sa mga kaso nina Sen. Leila de Lima at Rappler chief executive officer Maria Resa, sabi ng Palasyo sa isang pahayag, Biyernes.

Tinutukoy ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang US Senate Resolution 142, na nananawagan din sa pagpapalaya kay De Lima sa kulungan at pagpapatigil sa mga "harassment" kay Ressa.

"Ang lumalabas ay naloko sila ng mga ulat na nagmumula sa oposisyon, pati na rin ng media outlets na biased laban sa administrasyon," sabi ni Panelo sa panayam ng CNN Philippines sa Inggles.

Paliwanag ni Panelo, hindi raw niya maintindihan kung bakit tila 'di nila makuha ang "judicial process" sa bansa.

Payo pa niya sa mga dayuhang mambabatas, pag-aralan nang husto ang kaso ng senadora at huwag magpapadala sa mga natatanggap na "pekeng balita."

"Pag-aralan nila kung ano ang prosesong dinadaanan natin, para hindi sila nagkakamali at hindi sila dapat nakikinig sa mga sabi-sabi, iyong mga nababasa nila sa diyaryo, iyong mga natatanggap nilang mga liham kung saan-saan galing at nagsasabing si Senator De Lima ay pini-persecute – hindi totoo iyon," dagdag niya pa.

Taong 2017 pa nang makulong si De Lima dahil sa diumano'y kinalaman niya sa kalaban ng droga, bagay na pinasisinungalingan ng senadora, na kilalang human rights advocate.

Humaharap naman si Ressa sa ilang kaso kaugnay ng libelo at buwis.

Una nang ikinatuwa nina US Senator Dick Durbin at Ed Markey ang pagkakapasa ng resolusyong kanilang isinulong, bagay na umani raw ng malawak ng suporta.

LEILA DE LILA MARIA RESSA PALACE SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with