^

Bansa

Planong charter change lusot sa House panel; Makabayan sinabing 'unconstitutional' ito

James Relativo - Philstar.com
Planong charter change lusot sa House panel; Makabayan sinabing 'unconstitutional' ito
"Ang amendment sa ating konstitusyon ay magagawa lang... through constituent assembly, through constitutional convention at tska 'yung people's initiative," sabi ni Castro.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Bumoto na ang mga miyembro ng Committee on Constitutional Amendments para aprubahan ang apat na mungkahing palitan sa 1987 Constitution, Miyerkules.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, inaprubahan daw ang committee report kahapon sa isang executive session matapos ratipikahan ang 2020 budget.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, na namumuno sa komite, na aprubado na ang sumusunod sa kanilang executive session:

  • pagbibigay kapangyarihan sa Kongresong pahupain ang limitasyon sa dayuhang pamumuhunan sa pamamagitan ng batas
  • magkasamang pagboto sa presidente at bise presidente
  • 5-taong termino para sa mga senador, kinatawan ng Kamara at local executives, na may term-limit na tatlong magkakasunod na pagkapanalo
  • paghahalal ng tatlong senador kada rehiyon, kung saan hahatiin sa siyam na rehiyon ang bansa

Sa kasalukuyang Article XII ng 1987 Constitution, hinihinging Pilipino ang nag-mamayari sa 60% ng kapital ng mga korporasyon o asosasyon pagdating sa pamumuhunan — dahilan para mapako lang sa 40% ang sa dayuhan.

Idinagdag daw ang pariralang "unless otherwise provided by law" sa probisyon ng national patrimony para bigyang laya ang Kongreso na magpasa ng batas para bigyang laya ang mga mambabatas na pataasin ang porsyento ng pamumuhunan ng mga banyaga sa bansa.

Babala ng Bayan Muna, magkakaron daw ng mas malaking kapangyarihan ang mga dayuhan sa likas na yaman ng Pilipinas kung tuluyan itong maipapasa.

"This is a very dangerous action. At ito ay sinubukan na ng mga nakaraang administrasyon," ani Zarate.

"Aasahan na gaya ng mga nakaraang panahon, haharangan natin ito dahil ang implikasyon nito ay talagang pagbubukas sa ating pambansang patrimonya at pambansang soberanya sa mas grabe pang exploitasyon ng mga dayuhan sa ating bansa." 

Sinagot naman ni Rodriguez ang mga agam-agam ng Makabayan Bloc: "Panahon na para hayaan ang mas malaking foreign investments. Kailangan natin 'yan para mapalaki ang buwis para sa pamahalaan at para dumami ang trabaho ng mga Pilipino."

Unconstitutional?

Ayon naman kay Alliance of Concerened Teachers Rep. France Castro, labag sa konstitusyon ang ganitong pamamaraan para baguhin ang "highest law of the land."

Aniya, malinaw naman daw sa batas kung ano ang mga ligal na pamamaraan.

"Ang amendment sa ating konstitusyon ay magagawa lang... through constituent assembly, through constitutional convention at tska 'yung people's initiative," sabi ni Castro.

Aniya, hindi raw tama na idinadaan lang ito sa mga komite, lalong-lalo na sa pang-ekonomiyang probisyon.

Lalo lang daw nagiging matingkad ang intensyon ng administrasyon.

"Alam naman natin na nakikipagkaibigan ang gobyernong ito sa... China. Kaya pagbubukas ito lalo sa friend daw ng ating gobyerno," paliwanag pa niya.

Ilang beses nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang palitan ang konstitusyon ng bansa, at tumungo sa direksyong pederal.

Tandem voting, term limits

Sabi pa ni Rodriquez, ginawa ang mungkahing pag-isahin ang boto ng presidente't bise presidente upang siguruhing magkatugma ang dalawang tanggapan.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kay kiskisan sa pagitan ni Duterte at Bise Presidente Leni Robredo, na kombinasyon ng administrasyon at oposisyon.

Inilinaw din niya na hindi sila makikinabang sa pagpapalawig ng mga termino ng mga mambabatas lalo na't ipatutupad lang daw ito matapos ang 2022 election.

Itinanggi rin niya ang ugong-ugong na itinatago sa mata ng publiko ang mga iginigulong ng panibagong cha-cha attempt lalo na't naroon naman ang mga oposisyon nang mangyari ang sesyon.

Ayon sa Saligang Batas, anumang pag-aapruba ng komite ay kinakailangang isumite sa harap ng buong Kamara bago aksyunan.

vuukle comment

BAYAN MUNA

CHARTER CHANGE

RUFUS RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with