Dahil dito, lagda na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay para tuluyang maisabatas ang 2020 General Appropriations Bill.
STAR/File
P4.1 trilyon 2020 national budget aprub na ng Senate, House
Malou Escudero, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Niratipikahan na ng Senado at Kamara ang panukalang P4.1 trilyon national budget para sa 2020.

Ito’y matapos ang ikalawang pagpupulong ng bicameral conference committee kahapon.

Dahil dito, lagda na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay para tuluyang maisabatas ang 2020 General Appropriations Bill (GAB).

Nauna rito, inisnab ni Sen. Panfilo Lacson ang signing ng bicameral report kahapon ng umaga matapos matuklasan ang mga “last-minute” insertions na ginawa umano sa House of Representatives.

Ayon kay Lacson, umabot sa P83-bilyong halaga ng proyekto ang isiningit sa panukalang pambansang pondo.

Nasilip ni Lacson ang mga nangungunang lalawigan na nagkaroon ng napakalaking alokasyon.

Kabilang dito ang Albay – P670M; Cavite – P580M; Sorsogon – P570M; Batangas- P502M; Bulacan – P440M; Pangasinan – P420M; Cebu – P410M.

Isiniwalat din niya na 117 flood control projects na nagkakahalaga ng P3.179 bilyon ang nangunguna sa insetions kung saan walong proyekto ang may tig-P60 milyon bawat isa.

Nanindigan naman sina House Speaker Alan Peter Cayetano at majority leader Martin Romualdez na ang ipinasang pambansang pondo ay walang “pork, walang “park funds”, walang delay at mayroong transparency. 

NATIONAL BUDGET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with