^

Bansa

P10K, ideal monthly income ng isang pamilya

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
P10K, ideal monthly income ng isang pamilya
Ito, ayon kay Philippine Statistics Authority Assistant Sec. Rosalinda Bautista ang ideal monthly income na maaaring magkasya sa limang miyembro ng pamil­ya para sa mag-asawa hanggang sa tatlong anak.
AFP

MANILA, Philippines — Kailangang may pumasok na monthly income sa isang pamilya na aabot sa P10,727 para ma-sustain ang pangangailangan sa tahanan.

Ito, ayon kay Philippine Statistics Authority Assistant Sec. Rosalinda Bautista ang ideal monthly income na maaaring magkasya sa limang miyembro ng pamil­ya para sa mag-asawa hanggang sa tatlong anak.

Sinabi ni Asec. Bautista na malaking bahagdan ng buwanang sahod na P10,727 ay napupunta sa food items na aabot sa P7,528.

Aniya, kasya na ito para maitawid ang nabanggit na monthly threshold para sa pagkain nang mula agahan hanggang hapunan habang uubra pa ring pang-meryenda sa nasabing food allocation.

Ang matitira naman ay expenses na para sa non-food items gaya ng sa pananamit, house maintenance o pang-upa sa bahay, tubig at kuryente, medical care at iba pa.

Idinagdag pa ng opisyal na hindi naman kasama sa P10,727 monthly income ang recreation at pang-inom ng mga mayroong bisyo.

vuukle comment

MONTHLY INCOME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with